Inaresto ng Polish Internal Security Agency (ABW) ang tatlong teenager na pinaghihinalaang nagpaplano ng isang teroristang pag-atake, ayon kay Tomasz Siemoniak, opisyal na nangangasiwa sa mga special services ng bansa.
Kabilang sa mga suspek ang isang 16-anyos at dalawang 17-anyos na umano’y may kaugnayan sa isang international neo-Nazi movement. Natuklasan din ng mga imbestigador ang palitan nila ng impormasyon tungkol sa paggawa ng homemade explosives, improvised firearms at iba pang materyales na maaaring gamitin sa pag-atake.
Nasamsam din ng mga awtoridad ang mga kemikal na maaaring gamitin sa paggawa ng pampasabog. Inilagay sa pretrial detention ang dalawang 17-anyos, habang dinala naman ang 16-anyos sa isang juvenile detention facility.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng sangkot at ang kabuuang lawak ng planong krimen.
📸 CNN



