Nasawi ang isang school principal matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Kinilala ng PNP-BARMM ang biktima na si Dionel Villabito Mahusay, principal ng Pendililang Elementary School.
Ayon sa mga awtoridad, minamaneho ni Mahusay ang kaniyang minivan at papunta na sana sa paaralan nang lapitan siya ng suspek at ilang beses na barilin.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaril.
via Ely Dumaboc

