Inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang isang miyembro ng P-pop girl group matapos kumalat ang video niya na gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Sa video, makikitang hawak niya ang cellphone habang nagmamaneho at yumuko pa upang pulutin ito nang mahulog sa loob ng sasakyan.
Inatasan siyang humarap sa LTO sa Nobyembre 20 upang magpaliwanag sa posibleng paglabag sa Anti-Distracted Driving Act at reckless driving.
📷 LTO