Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos pagbabarilin habang nagmamaneho sa Orange Grove Subdivision, Barangay Matina Pangi, Davao City, pasado alas-otso ng umaga nitong Biyernes, Nobyembre 20.
Kinilala ang biktima bilang isang site engineer na nagtatrabaho sa isang construction company at namamahala sa isang housing project sa lugar. Anim na tama ng bala ang nakita sa kaniyang sasakyan. Rumesponde sa insidente ang Talomo Police Station, Central 911, at SWAT.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at pagkakakilanlan ng salarin.
📸 Aranas Sanico / Idol Alyan Silao
via Haydee Jipolan

