Kinumpirma ni Tim Cone, Gilas Pilipinas head coach, na makakasama na si Kai Sotto sa 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Sumabak na sa training si Sotto nitong Lunes, Agosto 17, matapos ang matagal na pagpapahinga dahil sa ACL injury sa kaniyang kaliwang tuhod noong Enero 2025.
Kasabay nito, inaasahan din ang pagbabalik ni Justin Brownlee na nagpapagaling ng kaniyang injury.
Nakatakdang makaharap ng Gilas ang Jordan sa Agosto 28 at Iran sa Agosto 30, kung saan parehong gaganapin ang mga laro sa Pilipinas.
📷: Gilas Pilipinas