Nagtala ng bagong national under-18 at under-20 records sa 100 meter at 200 meter sprint ang 17-anyos na si Pi Durden Wangkay sa PATAFA Weekly Relay Series Finals.
Naitala niya ang 21.40 segundo sa 200 meters, lampas sa dati niyang under-18 record na 21.75 segundo. Sa 100 meters naman, nagtala siya ng 10.44 segundo, na lumampas sa dating under-20 record na 10.56 segundo.
Magde-debut si Wangkay sa 2026 Youth Olympic Games sa Dakar, Senegal, kung saan kakatawanin niya ang Pilipinas sa 200-meter event.
Gaganapin ang torneo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.


