Hindi muna makalalaro nang mahigit dalawang linggo si Golden State Warriors basketball star Stephen Curry matapos magtamo ng injury sa oblique abdominal muscle.
Maagang nag-exit si Curry sa kanilang laban kontra Houston Rockets matapos makaramdam ng pananakit sa unang quarter. Agad siyang sumailalim sa MRI upang matukoy ang kaniyang injury.
Inaasahang hindi siya makalalaro sa susunod na mga laban ng Warriors kontra San Antonio Spurs, New Orleans Pelicans, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Boston Celtics, Sacramento Kings at Portland Trail Blazers.


