Makakapareha ni Alex Eala ang Filipino-American tennis player na si Desirae Krawczyk sa doubles event ng Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.
Sa Round of 16, makakaharap nila ang tambalan nina Hao-Ching Chan ng Chinese Taipei at Miyu Kato ng Japan.
Galing si Krawczyk sa kampeonato sa doubles event ng Ningbo Open, kung saan nakapareha niya si Fanny Stollár. Si Eala naman ay umabot sa Round of 16 ng singles event bago natalo kay Diana Shnaider ng Russia.
May lahing Pilipino si Krawczyk. Apat na beses na rin siyang nagkampeon sa Grand Slam mixed doubles.


