Nagkamayan sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin bago ang welcome banquet para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Shenzhen, China, nitong Miyerkules, Nobyembre 18.
Ayon sa Kremlin, posibleng magkaroon ng impormal na pag-uusap sina Trump at Putin sa sidelines ng summit upang magpalitan ng pananaw hinggil sa mga sigalot sa Ukraine at Iran, kung magkakaroon sila ng pagkakataon.
Inaasahan ding lalahok ang tatlong lider sa isang trilateral meeting ngayong Huwebes, Nobyembre 19, kasama si Chinese President Xi Jinping.
📷 Reuters


