Ipinalabas ni defense counsel Atty. Mark Vinluan ang isang video ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago kaugnay ng impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona. Sa naturang video, makikitang binawi rin noon ng prosekusyon ang ilang articles of impeachment laban kay Corona.
Tinanong ni Vinluan ang testigong si Atty. Rainer Dela Fuente kung ano ang epekto sa imbestigasyon sa money laundering kapag inalis na ang mga kasong pinagmulan umano ng naturang krimen, gaya ng malversation at bribery.



