Nakipagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Mexican President Claudia Sheinbaum sa sidelines ng 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting sa Shenzhen, China.
Tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Mexico, kabilang ang kalakalan, pamumuhunan at palitan ng kultura.
Mahigit 400 taon nang magkaugnay ang dalawang bansa, na pinagbuklod ng makasaysayang Manila-Acapulco Galleon Trade.
📸 Presidential Communications Office



