Isa sa mga tampok na memorabilia na iaalok sa auction sa Abu Dhabi sa Disyembre 7 ang iconic red jacket ni Michael Jackson mula sa music video ng “Thriller.”
Nakatakda itong magkaroon ng panimulang bid na $8.5 milyon, habang tinatayang maaaring umabot sa $10 milyon ang halaga nito.
Mahigit 100 iba pang memorabilia ng tinaguriang King of Pop ang kasama rin sa auction.
📸 RT News, Reuters


