Napakunot ang noo ni Atty. Rainer Dela Fuente sa mga resibo ng Jollibee na ipinakita ni Atty. Mark Vinluan at iniugnay sa GenCorp Inc.
Tinanong ni Vinluan kung epektibong paraan ng pag-verify ng impormasyon ang pagsusuri sa mga resibo o ang direktang pagkuha ng kumpirmasyon mula sa GenCorp.
Ayon kay Dela Fuente, hindi ganitong paraan ang ginagamit sa financial investigation at mas dapat umasa sa mga opisyal na dokumento mula sa mga ahensya ng gobyerno.


