Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na saklaw ng kanilang health benefits ang mga sakit na may kaugnayan sa matinding init, sa gitna ng banta ng Super El Niño.
Sa ilalim ng Yaman Para sa Kalusugan Program (YAKAP), maaaring makakuha ang mga kuwalipikadong miyembro ng konsultasyon, mga kinakailangang laboratory test at hanggang ₱20,000 halaga ng outpatient medicines kada taon.
Kabilang sa mga sakit na maaaring lumala dahil sa matinding init ang heat stroke, dehydration, hika at hypertension.


