Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) laban sa illegal recruitment at job scams sa Canada, kung saan ipinagbabawal ang paniningil ng recruitment fees sa mga Pilipinong aplikante para sa temporary foreign worker jobs.
Ayon sa DMW, sagot ng mga employer ang recruitment expenses, kabilang ang processing fee para sa Labor Market Impact Assessment (LMIA). Hinimok ang mga jobseeker na ireport ang sinumang maniningil ng mga ipinagbabawal na bayarin.



