Itinalaga si Douglas Michael Mallillin bilang bagong chairperson ng Commission on Audit (COA) matapos kumpirmahin ng Commission on Appointments (CA) ang kaniyang nominasyon nitong Lunes, Nobyembre 23.
Nauna itong tinutulan ni Senador Imee Marcos, na humiling na ipagpaliban ang pag-endorso sa nominasyon dahil sa kaniyang mga pangamba sa umano’y paggamit ng kapangyarihan ng COA laban sa mga kritiko ng administrasyon.
Kalaunan, binawi ni Marcos ang kaniyang mosyon na ipagpaliban ang nominasyon, kaya inaprubahan ito ng komite. Nakatakdang magtapos ang termino ni Mallillin sa Pebrero 2, 2029.



