Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga alagang baboy sa apat na barangay sa Macalelon, Quezon, batay sa resulta ng laboratory tests na inilabas noong Nobyembre 11.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Mabini Ibaba, Amontay, Candangal at Pinagbayanan. Nagsagawa na ang Municipal Agriculture Office ng monitoring, testing at controlled culling ng mga baboy sa mga lugar na may kumpirmadong kaso.
Pinayuhan ang mga hog raiser na bantayan ang kalusugan ng kanilang mga alagang baboy, panatilihing malinis ang kulungan at huwag magbiyahe ng mga baboy nang walang kaukulang permit upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
