Pansamantalang ihihinto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula Nobyembre 30 ang pag-isyu ng guarantee letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program upang maisagawa ang taunang liquidation at mabayaran ang mga obligasyon nito sa mga service provider.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, hindi saklaw ng suspensiyon ang outright cash assistance na patuloy na ibinibigay sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng agarang tulong pinansyal.
Patuloy ding tatanggap ng mga kliyente ang mga DSWD Field Office at satellite office sa buong bansa para sa paghingi ng cash assistance.
Inaasahang magpapatuloy ang pag-isyu ng guarantee letters sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.
📷 DSWD


