Lumagda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang kasunduan sa Chinese wind turbine manufacturer na Ming Yang Smart Energy Group para sa pagpapatayo ng mga wind turbine sa Pilipinas na idinisenyong maging panlaban sa mga super typhoon.
Naganap ang pagpupulong ni Marcos at ni Ming Yang Chairman Zhang Chuanwei kasama ang mga opisyal ng kumpanya sa Shenzhen, China, noong nakaraang linggo, sa sidelines ng pagdalo ng Pangulo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Ayon sa Malacañang, kabilang sa kasunduan ang pagtutulungan sa pagtatayo ng mga offshore wind farm. Tinalakay rin ng kumpanya ang planong pamumuhunan sa imprastraktura para sa offshore wind energy, kabilang ang pagtatayo ng Operations and Maintenance Center at posibleng paglinang ng mga serbisyo gamit ang renewable energy.
Ayon sa kumpanya, kaya ng mga turbine ang hangin na lampas sa lakas ng Category 17.
📷 PCO



