Pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pangunahing alalahanin ng mga Pilipino sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa survey ng OCTA Research. Nasa 42% ng mga respondent ang nagpahayag nito, mas mataas sa 37% noong Hulyo.
Pangalawa ang pagpapataas ng sahod (35%), habang ikatlo ang paglaban sa korupsiyon sa pamahalaan (29%), na nananatiling kabilang sa limang pangunahing pambansang alalahanin sa loob ng limang magkakasunod na quarter.
📸 Reuters



