Hiniling ng mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hukom ng International Criminal Court (ICC) na huwag payagan ang pagtatago ng pagkakakilanlan ng mga testigo ng prosekusyon.
Ayon sa depensa, nais ng prosekusyon na hindi pangalanan ang 55 sa 69 na testigo at gawin ang testimonya ng 22 sa kanila sa full closed sessions o mga pagdinig na hindi bukas sa publiko.
Giit ng kampo ni Duterte, maaapektuhan nito ang karapatan ng dating Pangulo sa patas at pampublikong paglilitis. Dapat umanong suriin muna ang bawat kaso bago limitahan ang paglalantad ng mga testigo.
Wala pang inilalabas na desisyon ang mga hukom ng ICC tungkol dito.
📷 ICC



