Hindi nagawa ng mga bansang dumalo sa 31st United Nations Climate Change Conference (COP31) sa Turkey ang makabuo ng pinal na kasunduan matapos hindi magkasundo ang mga delegado sa usapin ng fossil fuels at pagtugon sa climate change.
Tinanggihan ng European Union at iba pang mga bansa ang panukalang kasunduan dahil hindi nito binanggit ang papel ng fossil fuels sa mundo, kasunod ng pagtutol ng Saudi Arabia at iba pang bansang gumagawa ng langis.
Dahil sa pagkabigo ng negosasyon, nanawagan ang mga mambabatas ng oposisyon sa Australia na magbitiw si Energy Minister Chris Bowen, na namuno sa negosasyon. Sinisi rin siya ng mga ito sa kinalabasan ng conference.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Marshall Islands at Tuvalu, na kabilang sa mga pinakaapektado sa pagtaas ng water level ng dagat at iba pang epekto ng climate change.
📷 Reuters



