Isang obra maestra ang likha ng Filipino fashion designer na si Mark Bumgarner, na hango sa tanyag na hagdan-hagdang palayan ng Cordillera.
Sa pamamagitan ng architectural pleats at eleganteng draping na may matingkad na chartreuse green, tampok sa gown ang natatanging ganda at pinagyamang likha ng kamay ng mga katutubong Ifugao.
Higit pa sa isang fashion statement, inilalarawan din ng kasuotan ang adbokasiya ni Bea Millan-Windorski sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng likas at kultural na pamana ng bansa.
Isang tulog na lang bago ang pinakahihintay na Miss Universe finals! Handa na ba ang lahat na isigaw ang suporta para kay Bea?
📷 Bea Millan-Windorski



