Posibleng bumisita sa Pilipinas si King Felipe VI ng Spain sa huling bahagi ng 2027, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ibinahagi ni Sen. Erwin Tulfo ang posibilidad ng pagbisita sa plenary debates ng Senado sa panukalang ₱35.2-bilyong budget ng DFA para sa 2027. Layunin ng naturang pagbisita na higit pang palakasin ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Spain.



