Namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang Chinese H-6 bomber malapit sa baybayin ng Luzon, 170 nautical miles mula sa Metro Manila.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, mas lumalapit na sa Pilipinas ang mga pagpapatrolya ng militar ng China kumpara noon na malapit lamang sa mainland China.
Gayunman, sinabi ni Trinidad na normal na pagpapatrolya lamang umano ito at walang palatandaang nagsasanay ang eroplano para sa posibleng pag-atake gamit ang missile.
📷 AFP
