Magtatanghal ang P-pop group na SB19 sa Coachella 2027 sa California, United States, at magiging ikalawang OPM act na makakasabak sa naturang music event matapos ang BINI.
Aakyat sa entablado ang grupo sa Abril 10 at 17, 2027, bilang bahagi ng dalawang weekend ng music event. Nagpasalamat ang lider na si Pablo sa A’TIN at sinabing matagal na nilang pangarap na maipakilala ang musikang Pilipino sa mas maraming international audience.
Ayon naman kay Stell, dream come true ang pagkakataon at may inihahanda silang espesyal para sa kanilang pagtatanghal.
Kasunod ito ng international performances ng grupo sa Lollapalooza at Summer Sonic sa Japan.

