Ipinakita ng Sandiganbayan Third Division ang mga kuha ng CCTV sa New Quezon City Jail-Male Dormitory, kung saan makikita si Arvin de Guzman na umano’y on-call helper ni dating House Speaker Martin Romualdez na pinapapasok ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang mag-assist sa kongresista.
Ipinatawag ng anti-graft court ang mga opisyal ng BJMP upang sagutin ang obserbasyon ng korte kaugnay ng mahigit 200 CCTV camera sa pasilidad na hindi gumagana.
via TJay Mendoza



