Sinabi ni Chadrin Parian na si Atty. Manases Carpio ang nagbayad ng mga sapatos na nagkakahalaga ng ₱256,882.50 sa Kuala Lumpur para ipagdiwang ang pagkapanalo ng kanilang basketball team.
Ayon kay Parian, ang mga bata ang pumili ng mga sapatos na binili at si Atty. Carpio ang nagbayad. Ipinakita rin ng depensa ang larawang kuha ni Parian habang namimili, kung saan makikita si Carpio na nakasuot ng damit na may disenyong agila.


