Inilunsad ni Liza Soberano ang kaniyang official fan community sa Weverse, bilang kauna-unahang Filipina actress na nagkaroon ng sariling community sa platform.
Sa pamamagitan nito, maaaring makipag-interact ang fans kay Liza, manood ng kaniyang exclusive content at makatanggap ng updates tungkol sa kaniyang mga latest projects.
Kasama niya sa platform ang P-pop groups na BINI at SB19, na mayroon ding kani-kanilang official fan communities.
Ang Weverse ay isang South Korean platform na nagbibigay-daan sa artists na direktang makipag-interact sa kanilang fans sa pamamagitan ng posts, photos, videos at livestreams.

