Nanawagan si Hollywood actress at humanitarian Angelina Jolie na mas pagtuunan ng pansin ang investments sa mga komunidad sa ASEAN, sa halip na umasa lamang sa humanitarian aid o tulong pinansyal.
Sa ASEAN Inclusive Growth Summit sa Taguig, iginiit ni Jolie na dapat magkaroon ng mas maraming oportunidad ang mga tao sa edukasyon, kabuhayan at patas na kalakalan upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at matustusan ang sariling pangangailangan.
Ibinahagi rin niya ang mahigit 20 taon niyang ugnayan sa Cambodia, na aniya’y nagpalalim sa kaniyang pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura, mamamayan at potensyal ng bansa. Kasama niya sa talakayan ang Cambodian filmmaker na si Rithy Panh.
📸: Reuters



