Maging ang mga kapwa senator-judges ay tinanong ni Sen. Pia Cayetano kung nakapag-abot na sila ng tulong sa mga atleta sa pamamagitan ng pagbili ng mga gamit gaya ng sapatos. Binanggit ng senadora na sina Sen. Joel Villanueva at Sen. Migz Zubiri ay tumutulong din sa mga Pinoy athletes.
Kasunod ito ng paliwanag ng testigo ng depensa na si Chadrin Parian kaugnay ng mahigit ₱200,000 halaga ng sapatos na binili ni Atty. Mans Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, para sa basketball team.


