Tiniyak ni Atty. Anel Martin Antero sa impeachment court na hindi siya magsisinungaling para kina Atty. Manases Carpio at Vice President Sara Duterte.
Sa pagtatanong ni Atty. Lindon Bacquel ngayong Huwebes, Nobyembre 12, sinabi ni Antero na nanumpa siya bilang testigo at abogado kaya hindi siya magsisinungaling para kay Carpio o Duterte.


