Tinalakay ni Sen. Camille Villar ang paglago ng sales ng GenCorp Industries Inc. sa pagdinig ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 11.
Sa pagtatanong kay Atty. Suzette Balucanag-Punay, corporate counsel ng GenCorp, nilinaw ni Villar ang pagkakaiba ng kabuuang benta at net income ng kumpanya. Sinang-ayunan naman ng testigo na hindi nangangahulugang mataas ang net income kahit umabot sa daan-daang milyon ang sales ng isang negosyo.


