Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) nitong Sabado, Nobyembre 7, ang automated greenhouse facility sa Kalibo, Aklan upang mapataas ang productivity ng high-value crops.
Suportado ito ng South Korean government sa pamamagitan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA). Nagtatampok ang pasilidad ng climate-controlled environment na magbibigay-daan sa tuloy-tuloy na produksyon ng mga pananim sa buong taon sa kabila ng pabago-bagong kondisyon ng panahon.
Ayon sa DA, layunin nitong mapabuti ang ani at kita ng mga magsasaka, mapaunlad ang suplay ng pagkain, at mapatibay ang food security sa bansa.
📷: DA


