Umabot na sa 210.13 meters ang water level ng Angat Dam nitong Huwebes, Nobyembre 12, ang pinakamataas na naitala nito ngayong taon, ayon sa PAGASA. Mas mataas ito ng 0.35 meter kumpara sa 209.78 meters noong Miyerkules, Nobyembre 11.
Gayunman, nagbabala ang PAGASA na posibleng magdala ng mas kaunting ulan ang umiiral na very strong El Niño hanggang sa unang kalahati ng 2027. Dahil dito, patuloy na mino-monitor ng mga water concessionaire ang suplay at naghahanda ng mga hakbang upang mapanatili ang serbisyo sa mga susunod na buwan.
Paalala rin sa publiko na magtipid sa tubig, ayusin ang mga tumutulong gripo, at iwasang mag-aksaya nito kahit sapat pa ang suplay sa ngayon.



