Nahulog sa bangin ang isang sasakyan matapos umanong masilaw sa headlights ng kasalubong na tricycle ang driver nito sa Barangay Boton, San Miguel, Catanduanes, nitong Miyerkules, Nobyembre 11.
Ayon sa mga awtoridad, nakaligtas ang 35-anyos na driver na isang engineer. Nabasag niya ang windshield upang makalabas sa sasakyan at makarating sa highway. Nagtamo siya ng minor injuries sa magkabilang kamay at dinala sa Eastern Bicol Medical Center para sa karagdagang pagsusuri.
Patuloy ang imbestigasyon ng San Miguel Municipal Police Station.
📹: Leo Tejada Bernal
via Melody Ceballo Romero
