Nasawi ang limang taong gulang na batang lalaki nang mabundol at magulungan ng van sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City nitong Martes ng umaga, Nobyembre 10.
Â
Sa CCTV footage, makikitang tumatawid ang bata sa Eusebio Avenue nang dumating ang van at aksidenteng mabangga ito. Pumailalim ang bata sa sasakyan at nagulungan ng van.
Â
Agad na isinugod sa ospital ang bata ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa tiyan.
Â
Ayon sa 62-anyos na driver, hindi niya napansin ang batang tumatawid.
Â
Sa kasalukuyan, nakakulong na ang driver sa Pasig City Police Station at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Â
📹: Pasig City Police | via Jim Tejano
Â

