Magpapatupad ang MMDA ng bagong operating hours ng mga mall sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang Disyembre 25 bilang bahagi ng mga hakbang sa pamamahala ng trapiko ngayong holiday season.
Sa ilalim nito, maaari lamang magbukas ang mga mall mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. Magkakaroon din ng adjustment sa delivery operations mula 11 p.m. hanggang 5 p.m., maliban sa mga pagkaing madaling masira.
Ayon sa MMDA, hindi rin papayagan ang mall-wide sale tuwing weekdays, habang kailangan namang magsumite ng traffic management plan ang mga mall operator dalawang linggo bago ang kanilang sale.
