Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista na isumbong ang mga gasolinahang hindi sumusunod sa ipinag-utos na bawas-presyo sa langis.
Ayon sa DOE, nagsasagawa ang ahensya ng biglaang inspeksyon sa mga gasolinahan para matiyak na naipatutupad ang mga itinakdang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo. Ang mga mapatutunayang lumalabag ay maaaring patawan ng parusa kung hindi nila maipaliwanag ang hindi pagsunod sa kautusan.
Maaaring magsumbong ang publiko sa 8888 hotline o sa “Gas Station Concerns” feature ng eGovPH app.
