Kinumpirma ng isang assessor ng Island Garden City of Samal sa impeachment court ng Senado na ang property na nakarehistro sa pangalan ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio ay tugma sa SALN ng Bise Presidente.
Gayunman, kinuwestiyon ito dahil magkaiba ang barangay na nakasaad sa city records at SALN ni VP Sara. Nasa Barangay San Isidro ang property ayon sa city records, habang Barangay Matanos naman ang nakasaad sa SALN.
Iginiit naman ng tagapagsalita ng Bise Presidente na walang pagkakamali sa deklarasyon dahil nakabatay ang barangay designation sa orihinal na titulo ng lupa.
