Sinabi ni Atty. Suzette Balucanag-Punay na ang dating may-ari ng Jollibee Matina Crossing ay ang Southern Bee Foods Corporation. Aniya, walang shareholdings at interes si Vice President Sara Duterte sa Southern Bee, at wala ring interes sa naturang Jollibee branch.
Bagama’t tinutulan ito ng prosekusyon, sinabi naman ni Senate Presiding Officer Chiz Escudero na maaaring usisain ang naturang usapin sa kanilang cross-examination.
