Pinadalhan ng Sandiganbayan Third Division ng subpoena sina BJMP Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion, BJMP medical officer Dr. Henry Fabro, at ang CCTV officer ng Quezon City Jail sa Payatas upang tumestigo sa pagdinig bukas, Nobyembre 12.
Kasunod ito ng inspeksyon ng Sandiganbayan sa kulungan, kung saan natuklasang hindi gumagana ang mahigit kalahati ng mga CCTV camera. Wala rin umanong gumaganang camera na nakatutok sa lugar kung saan naroon ang selda ni dating House Speaker Martin Romualdez.
