Nagbabala ang cybersecurity monitoring group na Deep Web Konek sa posibleng pagtagas ng milyon-milyong personal at sensitibong datos mula sa 23 institusyon sa Pilipinas.
Kabilang sa mga nabanggit sa ulat ang Office of the Vice President (OVP), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Coast Guard (PCG), Land Transportation Office (LTO), Philippine Air Force (PAF), at ilang unibersidad.
Naiugnay ang mga insidente sa ilang hacker groups, kabilang ang DeathNote Hackers at Happy Go Lucky PH.
Ayon sa grupo, maaaring gamitin ang nakuhang impormasyon, gaya ng government IDs at records ng mga empleyado at estudyante, sa phishing, text scams, at identity theft.
Patuloy namang sinusuri ng mga institusyong nabanggit ang lawak ng mga insidente.
