Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Uplift program na gamitin ang natatanggap na ayuda para sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Kasunod ito ng pagkalat ng mga social media post kung saan may ilang benepisyaryo na bumibili ng mga gadget gamit ang natanggap na ₱2,000 cash assistance.
Ayon sa DSWD, dapat maging responsable ang mga benepisyaryo sa paggamit ng ayuda dahil marami pang pamilyang nangangailangan ng tulong pinansyal.
Nagbabala rin ang ahensya laban sa mga scam na nangangakong nagbibigay ng ayuda kapalit ng processing fee, personal na impormasyon, at one-time password.
