Sinabi ni Atty. Suzette Balucanag-Punay na wala ring partisipasyon, kaugnayan, o impluwensya si Vice President Sara Duterte sa administrasyon at operasyon ng Metro City Chow Foods Corporation.
Ayon kay Balucanag-Punay, hindi niya nakikita ang bise presidente sa mga pagpupulong o company gatherings, at wala rin siyang nababalitaang partisipasyon nito sa mga desisyon ng kumpanya.