Pupunta sa Pilipinas si Slovak Foreign Minister Juraj Blanar mula Nobyembre 12 hanggang 15. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ang unang pagbisita ng isang Slovak foreign minister sa bansa mula 2015.
Makikipagpulong siya kay DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro para talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan, kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa. Magbibigay rin siya ng talumpati sa Philippine-Slovak Business Forum at pangungunahan ang pagbubukas ng Slovak Embassy sa Maynila.
Lalagdaan din ni Blanar ang pag-anib ng Slovakia sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, na inaasahang magpapalakas sa ugnayan nito sa ASEAN.
📷 Reuters
