Kinuwestiyon ni Atty. Michael Poa ang pahayag ng ilang senator-judges at mambabatas kung ano ang masama sa pagpunta sa China matapos usisain ang mga testigo ng depensa sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte tungkol sa kanilang mga biyahe sa naturang bansa.
Sa pagdinig nitong Martes, Nobyembre 10, tinanong ng mga senator-judges sina Davao City Assessor Jaime Adalin at City Accountant Vingelin Bajan tungkol dito.
Ayon kay Poa, nasa mga testigo na ang pagpapaliwanag kung sarili nilang pera ang ginamit o kung sagot ng gobyerno ng China ang kanilang pagbiyahe.
Sinabi naman ni VP Sara spokesperson Atty. Paolo Panelo ang biyahe ni Adalin at iginiit na walang kinalaman ang opisyal nitong pagpunta sa China sa kredibilidad nito bilang testigo.

