Nabulabog ang mga residente sa Velasco St., Brgy. 7, Caloocan City matapos sumiklab ang isang sunog kaninang alas-3 ng madaling araw, Nobyembre 9.
Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar.
Itinaas sa unang alarma ang sunog bago tuluyang idineklarang fire under control bandang alas-5 ng umaga.
Patuloy pang iniimbestigahan ang danyos at bilang ng pamilyang naapektuhan.
Via Jim Tejano