Binaklas ng dalawang magnanakaw ang bakal na lagayan ng aircon para makapasok at makapagnakaw sa isang bahay sa Barangay Greater Fairview, Quezon City. Tinatayang ₱50,000 halaga ng mga cellphone at alahas ang natangay.
Batay sa CCTV footage, namataan ang dalawang suspek na papalapit sa bahay at makalipas ang halos isa’t kalahating oras ay nakitang lumabas matapos ang pagnanakaw.
Nadakip ang isa sa mga suspek, isang 18-anyos na lalaki, sa follow-up operation. Nabawi mula sa kaniya ang dalawang cellphone, ngunit hindi na narekober ang mga alahas.
Inamin ng naarestong suspek ang krimen at sinampahan na ng reklamong robbery. Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang kaniyang kasabwat.
📷: QCPD Station 5



