Umaasa si Philippine Ambassador to Washington, D.C. Jose Manuel Romualdez na magbabago ang ilang patakaran sa immigration ng Estados Unidos na makaaapekto sa mga Pilipinong may kuwestiyonableng immigration status.
Ayon kay Romualdez, posibleng magkaroon ng ibang approach sa pag-aresto at pagdetine sa mga undocumented immigrant kasunod ng pagkapanalo ng Democratic Party sa U.S. midterm elections.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa U.S. Department of Homeland Security upang alamin kung paano matutulungan ang mga Pilipinong apektado ng mahigpit na immigration policies.
Gayunman, pinayuhan ang mga Pinoy na may problema sa kanilang immigration status na kumonsulta sa kuwalipikadong U.S. immigration lawyer para sa angkop na legal advice.
📷: U.S. Philippines Society



